
Nag-aaral para makapagtrabaho. Minsan, nagtatrabaho para makapag-aral. Madalas, may isinasakripisyo.... Bumungad sa akin ang panibagong bukang-liwayway sa araw ng aking pagtatapos mula sa Senior High School. Dahil nasa ikatlong palapag ng makitid naming tahanan ang aking silid, tanaw ko ang pagsilip ng haring araw sa maliit na siwang ng bintana sa aking kwarto. Halos tulog pa ang aking diwa at ulirat, at nais ko pang bumaluktot sa aking higaan. Subalit parang hinihila ako ng aking mga paa dahil sa naaamoy kong agahan ni Inay. Kumalam ang aking tiyan. Naglalaban ang aking antok at gutom, ngunit nangibabaw ang huli kaya tumayo na ako.... Ako si Utoy, at ito ang aking kuwento.
Page Count:
70
Publication Date:
2023-04-19
No comments yet. Be the first to share your thoughts!